Ako’y naniniwalang disiplina’y kailangan
Upang makatulong sa pag unlad ng bayan
Isang katangian na dapat pahalagahan
Katangiang kailangan ng bawat kabataan
Ang isang tao’y masasabing disiplinado
Kung siya’y marunong magpahalaga ng pagkatao
Hindi kailangang basta matalino
Puso’y buksan para sa pagbabago
Kung isang tao’y nawalan ng disiplina
Tiyak kagagalitan , kaiinisan ng iba
Wag nyong hayaan , disiplina’y mawala
Kung ayaw mong ikaw ay mapariwara.
Buhay ay kagalaka’t kalungkutan
Ngunit disiplina sa sarili’y wag kalilimutan
Kahit anong mangyari’y inyong pahalagahan
Nang sa gayo’y maging maayos , inyong kinabukasan
magandang tula.pag patuloy mo to....Sakit.info
TumugonBurahin