Linggo, Marso 4, 2012

Ang Aking Talambuhay

                                             Ang aking Talambuhay
Ito ang larawan ko ngayon
“Life is too short” naniniwala ako sa kasabihang iyan kaya naman naniniwala rin akong habang may buhay ay may pag asa at habang nabubuhay ka pa ay gawin mo na ang mga gusto mong gawin na makakabuti hindi lamang sayo pati na rin sayong kapwa dahil ang mga pangyayari nung panahong buhay ka pa ay di na mauulit kapag nawala ka na.  Isang munti at malusog na  bata ang isinilang noong ika-31 ng Oktubre taong 1997. Ako si Venus Balyoyo Alamag ang anak nina Vivian Balyoyo  Alamag at Restituto Partoza Alamag. Ipinanganak ako sa San Francisco Calihan San Pablo City. Venus ang ipinangalan sa akin ng aking mga magulang dahil naging paborito ng aking  ina ang diyosang si Venus noong siya ay nag aaral pa lamang.
Ako ang mas malaking baby dito kasama ko
yung pinsan ko.
Bata pa lamang ako ay likas na sa akin ang pagiging makulet at pagiging mahilig sa pagkanta. Ang tiyahin ko ang siya kong taga alaga noon na isa ring bihasa sa pag-awit.  Bukod sa tiyahin ko ay inaalagaan din ako ng aking ate na si Vera Alamag. Hindi naging madali ang naranasan naming buhay noon dahil sa kagustuhan ng ina kong magkaroon ng marangal na trabaho ay nagsikap siyang magtapos ng kanyang pag aaral kahit na dalawa na kami ni ate na anak niya. Ang akin namang ama ay abala sa pagtatrabaho para lang sa aming pamilya. Ang aking ama ay nagtatrabaho noon sa Meralco. Tandang tanda ko pa nga noon na tatlong taong gulang pa lamang ako ay kasakasama na ako ng aking ina sa kanyang pagpasok sa eskwelahan. Ang ate ko naman ay naiiwan sa bahay kasama ang lola ko. Noong panahong yun pa nga naging paborito kong kainin yung kending maasim na ang tawag ko ay uod.
Sila ang dalawa kong kapatid.
Limang taon pa lamang ako ay pumasok na ako sa eskwelahan bilang kinder 1 pero dahil sa lagi lang akong natutulog sa klase at gigising ako ay awasan na , napilitan ang aking ina na tumigil muna ako sa pag aaral dahil alam ng aking ina na hindi ko pa masyado kaya. Nang pagtungtong ko ng anim na taon ay pumasok na ko bilangg kinder2. Naku po!! Tandang tanda ko na napakaligalig ko noon dahil lola ko ang nagaasikaso sa akin , kung minsan pa nga dahil sa aking kakaiyak ay napapalo muna ako ng lola ko bago ako pumasok, tapos niloloko pa ako ng tiyuhin ko kase kinukulong niya ako sa aming bahay. Umiiyak ako sa tuwing nakikita ko ang aking ina na umaalis ng hindi ako kasama. Pero hindi nagtagal ay nasanay na rin naman ako. Naging aktibo na ko sa aming klase at natuto na rin akong makipagkaibigan , ang bestfriend ko pa nga noon ay si Una at kasama rin si Duday. Isang Bible Church ang pinasukan ko kaya naman marami akong saulong verse noon. Nang kami ay grumaduate na ng kinder ay nagkaroon ako ng parangal. Ako ang 1st honor ng klase at di lang yon most behave rin ako noon. Masayang Masaya ako noon pati na rin ang aking mga magulang.
Ako at ang paborito kong pinsan, si Aljie
Nang pagtungtong ko naman ng elementary bilang grade one ay sanay na ako na nagpapaiwan. Inis na inis pa nga ako dati sa isa kong kaklaseng lalaki eeh, kase naman iyak siya ng iyak dahil ayaw niyang magpaiwan , itago na lang natin siya sa pangalang Austin, halos ipagtulakan na nga siya ng kanyang ate . Ang teacher namin nung grade one ay si Ma’am Calanog. Istrikta siyang guro kaya naman laging napipingot ang kaklase kong si Melvin . Tapos may kaklase pa ko na laging natutulog  kaya  inihahagis sya lagi sa labas ng pintuan.Naging second honor ako noon. Meron pa nga akong kaklase na nasaksak ng iasako pang kaklase sa ulo .
Ang una kong naging bestfriend noon ay si Sherylene at close friend ko si Chuchay. Nakakatawa pa nga kasi sinampal ko noon si Sherylene tapos sinuntok naman sya ni Chuchay dahil akala naming ay pinakain kami ng panis na tapa.
Ako at mga pinsan ko.












Noong grade two , nagsimula na kong maging mataray kase natuto akong lumaban gawa ng lagi akong inaaway ni Alexis. Grade three naman ako nung naranasan kong dumanas ng hirap dahil naging sakitin ako. Naging teacher ko noon si Ma’am Abril, napakabait niya. Kamag-anak ko siya pero pare praehas lang namn ang trato niya sa amin.Kaso nagsuffer ako sa dengue fever noon kaya dalwang linggo rin akong umabsent.Tapos tanda ko pa na nanghampas ako ng libro dahil dun sa kaaway kong babae na naggugulo sakin habang nagbabasa ako. Grade four naman ako nung naranasan kong magka-crush sa kaklase kong lalake na itago na lang natin sa pangalang JP(cute siya at kaliwete haha). Noon  din ako nagkaroon ng kaklaseng artista ng Garfield , sya si Aileen(mabait siya at maganda pa). Ang pinakamatindi ko na atang nakaaway nung grade four ay si Chelsea(maliit tas medyo mataray na mabait)  pero kahit mataray siya ay naging magkaibigan pa rin naman kami. Dun na lang din ako nagkaroon ng parangal o napasali sa honors magmula nung grade one kaya naman masayang masaya ako . 1st time ko din nung mapalaban sa hekasi quizbee kasi ginawa akong panghalili pero nanalo naman kami ng 3rd place sa division. Noong grade five na ako ay 1st time ko naming sumali sa singing contest pero sa kasamaang palad ay natalo ako pero okay lang naman siya sa akin kasi mas naeenhance pa ang pagkanta ko at nagkaroon ako ng experience. Idol na idol ko pa nga nun ang pinakapaborito kong pinsan na si Aljie(mabaet at pinakaclose kong cousin) pero sanay akong tawagin syang Agie.  Tapos lumaban ulit kami sa hekasi quizbee ang ka-team ko pa nga nun ay sina Pauleen(black beauty at mabait) at Joshua(chubby at maputing cute). Nakaabot pa nga kami sa regional sa santa rosa pero panglima lng kami. Noong grade six na ata ako nagkaroon ng pinakaworst na ugali na parang feeling ko lahat ng mga kaklase ko ay kaaway ko na at pinaplastik ako. Bestfriend ko noon ay si L.A.(magnda siya at mabait sya sa akin) stands for louie ann, mabait siya at mapagmahal na bestfriend kaso nga lang parang kami lang laging dalwa ang nagkakaintindihan kasi nga masama ang ugali namin pero siguro naman hindi sa lahat ng mga pagkakataon. Pero ang mga pangyayari rin namang yun ang tumulong sa akin para marealize na mali ako at kailangan ko nang  magbago.
Ako at ang mga kaibigan ko ngayong highschool.

At ito na, dumating na sa buhay ko ang highschool life. Bago pa man ako mag 1st year ay kumuha na ako ng test o exam para sa Science Curriculum o Science section . Nakasama ko sina Mitch, Vhiene at Alex(sila ang nga kaklase ko mula grade 2 hanggang grade 6) pagkuha ng test at mabuti naman nakapasa kame. Nung unang araw ng pasukan ay medyo tahimik pa ako kasi  syempre nahihiya pa ako sa mga bagong kaklase ko . Na-encounter ko  pa nga yung mga dati kong nakakalaban sa quizbee katulad ni Aira(mabait sya at matulungin) na unang kumausap sa akin. Tapos tanda ko pa na nung unang araw ng pasukan ay magkatabi kami ni mitch(siya ang kaclose kong friend na makulet pero mabait, lagi kong katawanan at napagsasabihan ko ng akin mga sikreto) tapos nung nagbabaybay na ng mag pangalan si Sir Mission ay may isa kaming apelido na nakinig na ang pakinig naming dalawa ay boyong , yun pala ay moyo kaya naman tawang tawa kami ni mitch noon. Malaki ang pinagbago ko noong naging highschool na ako dahil nabawasan ang mga kaaway ko pero hindi lahat ay naging kaclose ko kasi hindi kami masyado nagkakaintindihan katulad nung mga lalaki. Pero lima kaming magbebestfriend. Ang limang yun ay ako, c mitch, meryl, jesusa, at vhienne. Masaya kami noon kasi lagi kaming nagbobonding at nagkukulitan pero nagkawatak watak kami dahil sa di maipaliwanag na pangyayari. Tanda ko pa na nung 1st year kami ay mahilig kaming mag open forum , lagi pa nga ako noon umiiyak kasi lagi kaming nag aaway ni mishael(kaklase kong lalaki na hindi ko magawang maging kaclose dati). Pero ang hindi ko talaga malilimutang pangyayari ay nung lumalaglag yung strap ng bra ko at nakita ito ng mga kaklase kong lalake tapos pinagtawanan nila ako kaya naman nagalit ako sa kanila. Sumimot pa nga ako noon ng kahoy tapos pinaghahampas ko silang lahat , hinarang ni julbert(kaklase kong lalaki na hindi ko kaclosedati pero kaclose ko na ngaun,) yung gitara niya kaya natamaan tapos nagalit siya. Hindi rin naman nagtagal nagkabati din kami.  Lumaban pa nga kami noon ng Ibong Adarna kaso 2nd lang kami kaso syempre umiyak din kami noon pero okay lang naman.
Ngayong kasalukuyan 2nd year na ko ay mas naramdaman ko ang saya ng life kasi ,mas naging close kami ng mga kaklase ko kahit na maraming nang nangyari. Mas lalo naming nakilala ang isat isa . Natutuwa nga ako kasi ang mga dati kong kaaway na lalaki(Mishael , Julbert, raymart at iba pa) ay mga kabarkada ko na ngayon at hindi mapagkakaila na masarap silang kasama lalo na pag kasama ko si mitch.  Talaga namang sa tuwing kami’y magkakakwentuhan nina mitch ay walang oras na hindi kami tumatawa. Lalo na pag sina mitch at julbert ang kakwentuhan ko masyadong nalawak ang mga topic na napag uusapan naming kaya naman hindi naming naiiwasang humagikhik. Hindi ko talaga expected na magiging close din kami ni mary jean( enemy number1 ko dati na ngaun ay matalik ko nang kaibigan) at mishael . ang tawag ko nga kay mishael ay kuya doms! Kasi naman kamukha nya yun sa paningin ko si Dominic Ochoa! Hahaha.  Si Mary Jean naman ay enemy number one ko nung first year pero nagyon true friends na kami. Ang hindi ko talaga malimutan ay nung magkasama kami ni mitch na nahulog yung tinapay nya tapos kinain ko pa kasi naman inakala kong akin kasabay ko kasi nun pagbubukas ng tinapay ko tapos saka nahulog . hahaha
Talaga namang paglalong tumatagal ang pagsasamahan , lalo pa rin kaming nagkakaintindihan at nagdadamayan. Sana naman magpatuloy pa rin yung friendship naming magkakaklase hanggang sa ngayon.
Maayos na naman ngayon ang aming pamumuhay . Aking ina ay isa na ngayong guro sa San Pablo City National High School. Ang akin namang ama ay nagtatrabaho na sa kompanya ng gamot bilang ahente. Ang kapatid kong si Vera ay magsesecond year college na , si Ressy Anne ang bunso kong kapatid ay mag gragrade two na at ako naman ay magthithird year na. Masaya ang aming  pamilya. 

Ito ang aking buong pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento