Linggo, Marso 4, 2012

Maikling kwento


Magsilbing Aral sa Lahat
          Pamilyar ka ba sa mga cellphones,mp3,computers, at ipods. Ilan lang yan sa mga gamit o kagamitan ng makabagong teknolohiya. Maraming magagandang dulot ang mga ito ngunit sa kabila ng mga ito ay may ilan masasamang dulot. Katulad na lamang ng kwentong ito.Isang bata ang nalululong sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya o modernong kagamitan na nakapagpabago ng  malaki sa kanyang pag-uugali.
Pasukan na naman at handa na ang mga bata sa pagpasokj sa eskwelahan . kanya – kanya silang hingi ng pambaon sa kanilang mga magulang.
Sa pagsisimula ng klase ng ikalawang antas ,ang  pinakamataas na seksyon ng second year ay nagtalakay tungkol sa makabago o modernong teknolohiya.Binigyan ang bawat isa ng gawain, kung saan magtatala sila ng mga pangungusap o impormasyon tungkol sa sinaunang kabihasnan. Hindi ito magiging madali kung wala silang higit na kaalaman tungkol dito.
Isa lamang si Arkin sa mga mag- aaral na hindi nawawala sa uso pagdating sa makabagong teknolohiya o mga bagong gadgets . Sa tuwing may ipapagawa ang kanilang guro patungkol sa kanilang aralin ay hindi siya nahuhuli sa pagsusumite ng mga ito bagkus , siya ay ang laging nauunang magpasa ng mga gawain at dahil dito ay nakakakuha siya ng pinakamatataas na marka. Maraming nahuhumaling at nagnananais na maging kaibigan si Arkin katulad na lamang ni Precious na aware din sa makabagong kagamitan. Pala kaibigan si Precious at pala tulong sa mga kapwa kamag-aral. Bukod pa rito likas rin siyang matalino at mahilig magbahagi ng kaalaman sa iba. Marami ngang nagsasabi na bagay sila ni Arkin dahil kapwa sila matalino at mabait , hindi lang yon parehas rin silang maganda at gwapo. Matagal ng crush ni Precious si Arkin pero nahihiya siya na malaman niya ito kaya naisip niya na baka mas mabuti na maging magkaibigan na lang silang dalawa. At sa inaasahan, nangyari nga iyon   naging malapit na magkaibigan ang dalawa at lagi silang magkasama at nagdadamayan.
Ngunit kahit na marami na ang nakakaalam at nakakatuklas sa mga makabagong teknolohiya ay sadyang mayroon pa ring ilan na hindi alam kung paano gumamit o linangin ang mga bagay na ito, at isa na rito si Dino na kamag-aral ni Arkin at Precious. Salat si Dino sa mga modernong kaalaman at modernong pamamaraan. Taliwas kay Arkin at Precious , lagi siyang nahuhuling magsumite ng mga aralin at gawaing pampaaralan .Napansin nina Arkin at Precious ang nangyayari kay Dino kaya naman nakaisip sila na yayain  si Dino na sumama sa kanilang ginagawang group study , pumayag naman siya hinggil dito. Nasaksihan niya ang kaibahan ng pamamaraan ng kanilang pagkuha ng ideya patungkol sa kanilang aralin . Isa sa mga ginagamit ni Arkin at Precious ay ang kompyuter , ipinaliwanag nila kay Dino na malaki ang naitutulong nito sa mga pagreresearch, paghahanap ng impormasyon at mga gawaing pampaaralan. Kompyuter ang kanilang ginagamit sa paghahanap ng mga impormasyon , detalye at iba pang magagamit sa kanilang mga aralin. Lumang diyaryo , magazine, at lumang babasahin naman ang pinagkukunan at pinagsasaliksikan ni Dino. Malaki ang pagkakaiba ng kanilang pinagkukunan ng impormasyon , parehas kapakipakinabang ngunit magkaiba ng pamamaraan. At isa pa ay mas napapadali ang mga gawain gamit ang mga ito.
Nawili si Dino sa pagsama kina Arkin at Precious , kaya naman hindi naglaon ay natuto na siya ng mga pasikot sikot sa mga bagay bagay sa kompyuter. Malaki ang naging pagbabago ni Dino magmula ng matuto siyang gumamit ng kompyuter. Mas lalo pa siyang naging matalino at magaling sa klase ngunit marami rin ang nagalit at nainis sa kanya dahil kasabay ng mga pagbabagong ito ay nagbabago rin ang kanyang mga ugali. Napapansin ng mga kamag-aral ni Dino na malaki ang epekto ng modernong teknolohiya. Ngunit hindi lang mabuti ang naging  epekto nito sa kanya. Natuto rin siya ng mga computer games na nakaka apekto sa kanyang pag aaral. Noong una ay masaya ang lahat dahil nakikita nila na nangunguna sa klase si Dino ngunit di nagtagal , magmula ng matuto siyang maglaro sa kompyuter ay naadik na siya rito. Dahil sa pagka-adik ay natuto siyang umabsent sa klase para lang magkompyuter ngunit hindi para sa pag aaral ngunit para sa paglalaro ng mga online games.  Madalas pa ay napapagalitan na siya ng kanyang mga magulang subalit para bang wala lang sa kanya ang mga ito.saa tuwing uuwi siya ay laging gabi na kaya naman lagi na lang nag-aalala ang kanyang maga magulang na baka kung anung masamang mangyari sa kanya. Lagi na lamang niyang sinusuway ang kanyang mga magulang. Dumating ito sa puntong marami ang nagalit sa kanya pati na rin ang dalawang pinakamatalik niyang mga kaibigan na si Arkin at Precious . Masyado ng naging mayabang , suwail at mapagmataas si Dino. Bukod pa rito ay masyado na niyang napapabayaan ang kaniyang pag-aaral . Ang dating bata na matiyaga at masipag hindi lang sa pag-aaral pati na rin sa mga gawaing bahay ay naging tamad at batugan na, ang dating pinaka nangunguna sa klase ay nagging pinakahuli na . Naging dahilan rin ito ng pagbaba ng kanyang mga marka na lubos na ikinalulungkot ng kanyang mga kaibigan. Samantala ang kanya namang kaibigan na si Arkin ay napapalapit na ang loob kay Precious na para bang may gusto na siya rito. Ngunit hindi niya ito maamin kay Precious dahil may hadlang rito at ito ay si Jolo. Si Jolo ay ang may gusto kay Precious na pilit sinisira ang pagkakaibigan ng dalawa. Subalit hindi siya gusto ni Precious dahil hanggang ngayon ay si Arkin pa rin ang gusto niya. Minsan napag-isipan ng dalawa na kausapin si Dino upang bumalik na sa pag-aaral at  bawas bawasan ang paglalaro ng mga kompyuter games at nagkasundo nga ang dalawa at ginawa nila ito. Nang kausapin ng dalawa si Dino ay nakikinig naman ito at para bang natatauhan sa mga sinasabi ni Arkin at Precious . Nang matapos na nilang kausapin si Dino ay dali dali itong umuwi sa kanila. Pag kauwi nitro ay agad niyang niyakap ang kanyang ina at humingi na tawad. Nangako si Dino na magbabago na siya at ipagpapatuloy niya ang kanyang naumpisahang pag-aaral. Sa pagpasok ni Dino sa kanilang klase ay nagtaka siya dahil lahat ng kaklase niya ay nakatingin at nakangiti sa kanya dahil masaya sila na magbabalik na ulit ang dating Dino na kilala nila. Hindi na napigilan ni dino ang kanyang mga luha sa pagpatak dahil sa sobra siyang natuwa na tanggap pa rin siya ng maga kaklase, guro at higit sa lahat nina Precious at Arkin na ngayon ay nagmamahalan na bilang mag girlfriend at boyfriend na lubos namang ikinasaya ni Dino at  kabalihgtaran ay ikinainis ni Jolo. Sahuli ay bumalik na ang dating Dino na nakilala nila at naging masaya ang kanilang pamumuhay. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento