MODERNONG TEKNOLOHIYA O KALIKASANG PAWALA NA
LAKANDIWA: Magandang umaga po sa mga panauhin
Ako po ang inihalal na sa inyo’y magbibilin
Ang lakandiwa na may gustong sambitin
Na ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan din.
Itong balagtasa’y akin ng binubuksan
Nang ang dalwang panig ay magsimulang magtagisan
Tagisan ng talino patungkol sa kalikasan
Halina kayo’t dito’y magtalastasan
Nena : Magandang Umaga po sa inyo
Ako po ang babaeng nagmula pa sa Antipolo
Nais magbilin sa mga taong matitigas ang ulo
Na ang kalikasan ay pangalagaan ninyo
Hindi ba kayo naawa sa ating kalikasan?
Ang mga ibong malaya, ngayo’y nasa kulungan
Mga ilog at dagat na may pawang katahimikan
Hindi nyo ba napapansin, ngayo’y naging tambakan
Hindi nga baga ito’y dahil
Sa makabagong teknolohiya
Makabagong teknolohiya na ngayo’y naninira
Madalas gamitin at usong-usong
Sa panahon ngayon, kalikasan’y maaring mawala na
Roy : Magandang umaga po sa mga panauhin
Ako po ang lalaking nagmula pa sa Camiguin
Ngayon ay nasa harap niyo at handang sagutin
Mga katanungan patungkol sa kalikasan natin
Aking katunggali , kung hindi mo mamarapatin
Ang makabagong teknolohiya ay may maitutulong rin
Nais kong ipahatid na ito’y kasa-kasama rin natin
Lalong higit , sa pang araw-araw na gawain
Nena : Oo nga’t ang mga yan ay may naitutulong
Ngunit ang mga tulong ay saan ba hahantong?
Pagkasira ng kalikasa’y muli nanamang uusbong
Modernong teknolohiya, hatid sa tao’y pagkalulong
Roy : Kung para sa iyo’y, ito’y nagsisilbing droga
Ngunit para sa akin ito’y isang malaking biyaya
Biyaya na ang hatid sa tao ay ligaya
Bawas na sa pagod kapalit ay saya
Lakandiwa : Marahil nararapat ng wakasan
Itong inyong tagisan at talastasan
Sapagkat maaaring ito’y walang patunguhan
Lalo’t ang mga tanong ay nabigyang kasagutan
Ngayo’y narinig na ang panig mo Roy at Nena
Napagtanto ko na si Nena ang tama
Kalikasan nati’y nasisira na nga
Dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya.